Palasyo, nanindigang walang ‘bill-vetoing-spree’ sa opisina ni Pangulong Marcos

Tiniyak ng Palasyo na mayroon na itong kinokonsidera para mamuno sa Presidential Legislative Liaison Office.

Ito ay makaraang punahin ng ilang mga mambabatas ang sunud-sunod na pag-veto ni Pangulong Bongbong Marcos sa limang mga panukala, pati na rin ang pag-lapse into law ng ilang mga bill dahil sa pagkakabigo nitong malagdaan.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na mayrooon nang pangalang nasa isip si Marcos ngunit hindi pa lamang ito pinakikilala pa.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Sinabi pa nitong wala raw umiiral na ‘bill-vetoing-spree’.

Paliwanag ni Angeles, tinotono lang daw ni Marcos ang ilang mga panukala lalo na kung mayroon itong kinalaman sa pagbubuwis.

Nilinaw din nito na 41 lang ang mga panukalang nag-lapse na at naging ganap na batas.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Matatandaanag kabilang sa mga na-veto ng Pangulo ay ang mga sumusunod: bill para sa pagtaatag ng special economic zone sa Bulacan, pagtatatag ng Office of the Government Corporate Counsel; prangkisa ng Davao Light and Power Company, Inc.; pagtatatag ng Philippine Transportation Safety Board; at ang pinaka-latest ay ang pag-veto sa panukalang layong bigyan ng tax exemption ang mga poll workers.
#