Nakabangon na ang Pilipinas mula sa epekto ng coronavirus pandemic, pagkabigla mula sa Russia-Ukraine war, at hidwaan sa Middle East.
‘Yan ang kompirmasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa taunang Vin D’ Honneur sa Malacañang.
Ipinagpatuloy din ng administrasyon ang pamamahala sa kabuuang inflation, na habang medyo mataas pa, umaasa itong gumagalaw sa tamang direksyon.
Nanawagan rin ang Pangulo sa mga miyembro ng diplomatic corps na makipagtulungan sa kanyang administrasyon sa pagtugon sa mga alalahanin sa kahirapan, seguridad sa pagkain, kapayapaan at kaayusan, kalusugan, trabaho, at kabuhayan.
Pinatunayan lang ng pagbabalik ng Pilipinas sa negosyo na bumubuti na ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa.