Pilipinas, nagtala ng 289 na mga bagong kaso ng COVID-19, pinakamababa sa nakalipas na anim na buwan

Nagtala ang Pilipinas ng 289 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pinakamababang daily tally simula noong June 15.

Ayon sa Department of Health, ang bilang ng active cases ay bumaba rin sa 14,695.

Dahil naman sa mga bagong infections, ang nationwide tally ay sumampa na sa 4,062,511.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nangunguna parin ang National Capital Region (NCR) sa mga rehiyon na may maraming kaso sa 4,450, sinundan ng Calabarzon sa 1,985, Central Luzon sa 977, Western Visayas sa 522, at Cagayan Valley sa 412.

Samantala, tumaas ang recovery tally sa 3,982,533, habang ang death toll ay umakyat pa sa 65,283.