Pinasalamatan ng Sorsogon City PNP ang publiko at mga katuwang na ahensya ng gobyerno matapos na mapanatili ang kaayusan sa lungsod sa kakatapos lamang na pagdiriwang ng Pasko.
Ayon kay Sorsogon City Police Chief, PLtc Jeric Don Sadia, wala silang naitalang mga insidente o mga krimen simula bespiras ng Pasko hanggang sa mismong araw ng Pasko kung saan nakita nila ang ibinigay na disiplina ng publiko sa kabila ng pagdagsa ng tao sa mga pampublikong lugar.
Kaugnay nito, panawagan ng opisyal sa lahat na parehong kooperasyon ang ibibigay ng mga residente ng lungsod hanggang sa Bagong Taon kung saan mas ipinagdidiwang at pinaghahandaan ito kaysa sa Pasko.
