Palasyo, tiniyak na on top of the situation si Marcos kaugnay sa malawakang pagbaha

Tiniyak ng Palasyo na on top of the situation si Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa mga pagbaha sa ilang lugar sa bansa dulot ng shear line.

Kaugnay nito, pinulong ni Marcos Jr. ang ilang mga opisyal kaugnay sa naturang usapin, kabilang na ang pagbibigay ng agarang tulong para sa mga apektado sa Visayas at Mindanao regions.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Mababatid na sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 17 ang death toll bunsod ng naturang mga pagbaha.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Karamihan sa mga nasawi ay napaulat sa Northern Mindanao, sa siyam; Bicol Region, lima; dalawa sa Eastern Visayas at isa sa Zamboanga Peninsula.

Maliban dito, mayroon pa umanong 27 indibidwal na nawawala, habang walo ang nasugatan.