Pilipinas, nagtala ng 17,220 na bagong COVID-19 cases

Naitala ng Pilipinas ang pinakamataas nitong COVID-19 positivity rate na umabot sa 36.9 percent at 17,220 na bagong infections.

Ang positivity rate ay base sa test result ng samples mula sa 59,847 na katao noong January 4, araw ng Martes.

Sinabi rin ng DOH na hindi nakapagsumite ng datos ang 11 laboratory, na may average na 2.8 percent na kontribusyon ng ng samples tested at 4.5 percent ng positive cases.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Mula sa mga bagong kaso, 17, 104 nito o 99 percent ay nahawa ng COVID sa nakalipas na 14 na araw.

Naitala sa Metro Manila ang pinakamaraming kaso na umabot sa 11,563, Calabarzon na may 3,165 na kaso, at Central Luzon na may 1,126 na kaso.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nasa mahigit 2.8-million na ang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa mula nang mag-umpisa ang pandemya, kung saan ang 2 percent o 56,561 nito ay mga aktibong kaso.

Samantala, nasa mahigit 2.7-million na ang recoveries ng bansa na nadagdagan ng 616 na pasyente habang dahil sa 81 na bagong fatalities ay umakyat na ang death toll sa 51,743.