DOJ, inirekomenda na makasuhan ng rape ang umano’y lider ng NPA

Inirekomenda ng Department of Justice ang paghahain ng nine counts of rape laban sa hinihinalang lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

Sa isang press briefer, ay sinabi ng DOJ na inakusahan ng biktima si Joel Caliliw ng sekswal na pang-aabuso sa kaniya na walang consent gamit ang karahasan at pananakot nang siya sya nagsilabi bilang vice platoon commanding officer ng NPA.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Ayon sa biktima na kinilala bilang “Lady Miranda,” na nangyari ng tatlong beses ang pang-aabuso noong March 2018 sa Carrangalan, Nueva Ecija, at anim na beses noong April 2018 sa Umingan, Pangasinan.

Iginiit ng DOJ na ang alibis ni Caliliw, ang pagtanggi nito sa rape, at paninisi kay Lady Miranda ay self-serving at walang bigat sa ilalim ng batas.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Inihayag ng DOH na ihahain ang three counts ng rape sa Regional Trial Court ng San Jose habang ang natitirang anim ay ihahain sa Regional Trial Court ng Umingan.

Ipinunto rin ng DOH na naihain na sa Regional Trial Courts ng Nueva Vizcaya at Nueva Ecija ang dalawang iba pang kaso ng rape na ginawa kay Lady Miranda ng dalawang iba pang indibidwal.