Dengue case sa buong Camarines Sur umabot na sa 655; 2 bayan dengue free pa

NAGA CITY- 655 na ang dengue cases sa buong Camarines Sur mula Enero hanggang nitong Hulyo 30, 2022, pinakamataaas sa Bicol Region.

Ito ay batay sa huling tala ng Department of Health Bicol. Nangunguna ang Naga City na mayroong 161 na kaso, nasundan ng Pili na may 52, 42 naman sa Cabusao, 38 sa Magarao, sa Libmanan 33 habang 32 sa San Fernando , may mga kaso rin ang ibang bayan mula isa hanggang 31. Sa buong lalawigan ang mga bayan ng Balatan at Presentacion lamang ang dengue free simula Enero.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Presentacion Municipal Risk Reduction and Management Officer Regina Bea, sinabi nitong  noong 2021 pa malawakan na ang kanilang kampanya laban sa sakit. Palaging nagkakaroon ng coastal clean up, regular din ang paglilinis sa Barangay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon kay Bea marahil ang pagiging aktibo ng mga residente sa mga aktibidad ng barangay, health office at MDRRM ang daan para wala silang maitalang kaso ng dengue.