Magko-comply at susunod ang Pilipinas sa magiging obserbasyon ng European Maritime Safety Agency (EMSA) kaugnay sa mga kakulangan sa maritime education ng mga Filipino seafarers.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, ang naturang issue ay hindi na dapat pang pagdebatehan.
Aniya, kailangan lang sumunod ng Pilipinas.
Mababatid na kamakailan, tinitingnan ng gobyerno ang pag-i-issue ng executive order na tutugon sa mga hinaing ng EMSA gaya ng kakulangan sa shipboard training ng mga Filipino seafarers.
Dagdag ng Pangulo, ginagawa nila ang lahat, at hindi dapat isantabi ang issue.
Samantala, nakapag-issue na ang Maritime Industry Authority and the Commission on Higher Education ng mga narebisang polisiya upang tugunan ang findings ng EMSA.
Pangulong Marcos, planong talakayin ang mga usapin ukol sa tariff breaks sa Belgium
Planong talakayin ni Marcos ang mga usapin ukol sa Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+).
Ang GSP+ ay isang mekanismo na layong magkaroon ng duty-free exports sa European Union at sa iba pang world leaders.
Ayon kay Pangulong Marcos, gagawin niya ang kanyang makakaya para maiparating sa kapwa niya lider ang kanyang saloobin o opinyon ukol dito.
Nabatid na simula noong Pebrero ngayong taon, pinag-iisipan ng European Parliament ang posibleng pag-aalis ng ilan sa mga pribilehiyo ng Pilipinas ukol sa pakikipagkalakalan, sakali mang mabigo ang pamahalaan na tugunan ang mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
Sa ilalim kasi ng GSP+, binibigyan ng pribilehiyo ang mga developing countries kagaya ng Pilipinas na magkaroon ng exporting zero-duty merchandise sa EU-member states.
Sa Pilipinas, sakop ng GSP+ ang nasa 6,274 na mga locally-made products.
#

