Bagyong #RosalPH, inaasahang hihina pa at wala nang direktang epekto sa bansa

Wala nang epekto sa bansa ang Tropical Storm #RosalPH.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalo pa itong hihina sa mga susunod na oras bago tuluyang malusaw bilang isang low pressure area bukas ng gabi, o Miyerkules ng Umaga.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa 11am bulletin ng weather bureau, huling namataan ang bagyo sa layong 860 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.

Napanatili nito ang lakas ng hangin na aabot ng 85 kilometro kada oras at bugsong papalo ng 105 kilometro kada oras.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ngayong araw, asahan pa rin ang mga mahihinang isolated rainshowers pagdating ng hapon at gabi dulot na lamang ng localized thunderstorms.