Inanunsyo ng US Navy na magho-host ito ng biennial Rim of the Pacific (RIMPAC) exercises, mula Hunyo 30 hanggang Agosto 4 sa paligid ng mga isla ng Hawaii at southern California.

Kinumpirma din nito nakasama ang Pilipinas at 25 iba pang mga bansa ay inaasahang sasali sa mga pagsasanay.
Sinabi ng US Navy na maituturing ang naturang aktibidad bilang “world’s largest international maritime exercise.”
Ang iba pang bansang kasali Pacific naval exercisesay ang Australia, Brunei, Canada, Chile, Colombia, Denmark, Ecuador, France, Germany, India, Indonesia, Israel, Japan, Malaysia, Mexico, Netherlands, New Zealand, Peru, South Korea, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Tonga, at United Kingdom.