LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol na naghihintay pa rin ang mga ito nang memo o report mula sa Central Office sakali man na palitan ang Regional Director sa Administration Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Ayon kay Lucy Castañeda, ang Regional Spokesperson ng nasabing tanggapan, wala pang pinal na pinapalabas ang Central Office ukol sa bagong uupo na Regional Director sa DPWH Bicol.
Aniya, wala pa naman umano na nangyayaring lipatan o papalitan ng mga director sa bawat rehiyon, kung kayat tuloy pa rin ang kanilang mga proyekto pagdating sa imfrastructure, school buildings, farm to market road.
Samantala, mayroong bubuohin na panibagong Sub District Engineering Offce sa lalawigan ng Camarines Norte. Kung dati aniya ay mayroong dalawang legislative district engineering office na iisa lamang ang kanilang opisyal. Sa ngayon ay mayroon nang itinalaga rito na pamumunuan ni OIC Eng Gilbert Romero bilang isang sub district engineering office.
Si Romero rin ang pinakamatagal na naging Assistant District Engineering Officer sa DPWH.