Menro, wala pang penalidad sa namonitor na improper waste management sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Hindi lang unang beses na reklamo ang natanggap ng Environmental Management Bureau (EMB) sa Barangay Kilicao at Malobago Daraga Albay sa mga concern citizen tungkol sa tambak na basura.

Ayon kay Bombet Lita, ang Chief, Solid Waste and LGU Relations Section ng EMB Bicol, hindi muna nito pinatawan ng penalidad ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Daraga dahil sa kakausapin muna ang mga sangkot na barangay upang magbigay ng kanilang kaukulang aksyon sa nasabing insedente.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, kung siya masusunod umano ay dapat nang bigyan penalidad ang nasabing opisina dahil sa hindi ito agad binigyan pansin o aksyon ang mga itinapon na basura sa nabanggit na barangay.

Ang MENRO Lgu Daraga ang mayroong jurisdiction na magbigay ng kaukulang aksyon sa mga barangay dahil sa nasasakupan nito habang ng barangay mayroon din dapat penalidad para sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura. Binigyan diin nito, sa unang offnse pa lamang ay dapat ng agad ito inaksyunan ng Lokal na Pamahalaan upang hindi na maulit ang pagtatapon ng basura sa kanilang barangay.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Paalala ng opisyal, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa hindi designadong lugar ito ay base sa Ecological Solid waste act of 2000 o RA 9003.