Pilipinas, kinundena ang ginawang live-fire drills ng Taiwan sa Ligaw Island

Kinundena ng Philippine Government ang ginawang live-fire drills ng Taiwan sa Ligaw Island.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, sila ay naglabas ng ‘strong objection’ sa hakbang na ito ng Taiwan mula June 28 hanggang 29.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Sa pahayag ng DFA, tinawag nitong ‘unlawful’ ang pagpapaputok ng Taiwan sa Ligaw Island na bahagi ng Kalayaan group of Islands – teritoryong sakop ng Pilipinas.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Ang naturang illegal activity na ito ay nagpapataas umano sa tensyon ng mga claimants sa West Philippine Sea.
#