Pilipinas kasama sa 45 na bansa nangakong pagbubutihin ang paglaban vs global warming

Kasama ang Pilipinas sa apatnaput-limang mga bansa na nangakong pagbubutihin pa ang pangangalaga sa kalikasan at baguhin ang paraan ng pagsasaka upang mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Sa official statement ng British government na host ng kasalukuyang COP26 UN climate summit, sinabi nitong ngayong tumataas ang bilang ng populasyon sa mundo, mahalaga na malabanan ang global warming na idinulot ng farming, deforestation at iba pa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nakasaad din sa naturang pahayag ang pangako ng 45 na bansa na magkakasa ng agarang aksyon at pamumuhunan upang protektahan ang kalikasan at lumipat sa mas naaayon na paraan ng pagsasaka”.

Kabilang sa mga backers ay ang mga mayayamang bansa katulad ng United States, Japan at Germany.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Bukod sa Pilipinas , suportado din ito ng mga developing countries katulad ng India, Indonesia, Morocco, Vietnam, Ethiopia, Ghana at Uruguay.

Hindi naman binanggit sa pahayag ang kabuuang halaga ng pagpopondo, ngunit sinabi na ang mga hakbang ay kinabibilangan ng paggamit ng higit sa $4 bilyon ng bagong pamumuhunan sa pampublikong sektor sa pagbabago ng agrikultura.