COA Audit sa COVID-19 vax procurement , hiniling pa ng DOH noong 2021

Noong 2021 pa hiniling ng Department of Health (DOH) sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit ng Covid-19 vaccine deals ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.

Muling iginiit ni Vergeire na nakahanda ang DOH na magbigay ng mga kinakailangang dokumento kaugnay ng special audit at sa anumang imbestigasyon.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Ang special audit ay para sa mga bakuna na binili sa ilalim ng mga loans sa World Bank at sa Asian Development bank sa panahon ni dating DOH Secretary Francisco Duque III.

Samantala, sinabi ni Vergeire na wala itong eksaktong halaga sa kabuuan ng 44 milyong doses ng COVID-19 vaccines na nasayang. Gayunpaman, batay sa pagtatantya ng DOH, ang bawat doses ng bakuna ay maaaring nagkakahalaga ng P500 pesos.

Read More:  PhilSA: Mayon ash fall affects over 1,000 hectares of farmland

Matatandaang ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino ay nakahandang magsagawa ng imbestigasyon at silipin ang mga dokumento tungkol sa pagbili ng mga COVID-19 vaccines.

Nagpahayag din ng pagsuporta ang komite sa imbestigasyon na ikakasa ng COA.
#