Dumating na kahapon sa Singapore si Pangulong Bongbong Marcos mula sa dalawang araw na state visit sa Brunei.
Ito ay para magbigay ng kanyang mensahe sa International Institute for Strategic Studies o IISS Shangri-La dialogue.
Sinabi ng Pangulo na ihahayag nya sa kanyang keynote speech ang legal at geopolitical position ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa media interview sa Brunei, binigyang diin ng Pangulo na mahalaga ang kanyang keynote address sa gaganaping defense at security gathering, ang pag imbita sa kanya na magbigay ng mensahe ay indikasyon anya ng pagkilala sa hamong kinakaharap ng bansa.
Lalo na’t napakahalaga raw ng West Philippine Sea sa international trade, at ang mga stakeholders ay hindi na lamang limitado sa Southeast Asia, Asia, at Indo-Pacific, dahil sangkot na dito ang global economy.
Kaya ang posisyon ng Pilipinas sa naturang usapin, ay importante sa pag gawa ng desisyon ng mga policy maker sa buong mundo.
Nabatid na attendees sa naturang dialogue ang mga stakeholders sa defense, head of state, at defense of ministers mula sa 40 bansa.