Pilipinas, Guinness World Record sa pinakamalaking human lung formation

Na-beat ng Pilipinas ang bagong Guinness World Record para sa pinakamalaking human lung formation sa World Tuberculosis (TB) Day.

Inanunsyo ng isang opisyal na adjudicator mula sa Guinness World Records na matapos magawa ng Pilipinas ang bagong record na 5,596 kalahok.

Nalampasan nito ang India na may 5,003 kalahok noong 2017.

Nabuo ang pinakamalaking human lung formation sa Quirino Grandstand sa Maynila, kung saan present ang ilang mga medical professionals, 4Ps beneficiaries, at university students.

Tinanggap naman ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa ang plake mula sa Guinness World Records.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *