Tinapos na ng Philippine men’s national football team ang kanilang kampanya sa 2026 FIFA World Cup AFC Qualifiers matapos mabigo sa laban nito sa Indonesia.
Dahil dito, tatapusin ng mga Pilipinong manlalaro ang kanilang qualification round na walang panalo matapos ang 0-1-5 win-draw-loss card sa Group F.
Habang ang Indonesia naman ay umabante sa ikatlo at huling round ng ng World Cup qualifiers kasama ang nangungunang Iraq.
Bagama’t bigo silang mag qualify sa World Cup, umaasa pa rin ang football team ng Pilipinas na makakuha ng slot sa 2027 AFC Asian Cup.
