Pilipinas at NCR nanatili sa critical risk sa kahit bumagal ang COVID-19 growth rate

Binigyang diin ng Department of Health na nananatiling nasa critical risk ang Pilipinas, partikular na ang Metro Manila at limang iba pang rehiyon para sa COVID-19, sa kabila na bumagal ang growth rate ng infections.

Ayon kay Health Chief Francisco Duque III, maliban sa Pilipinas at metropolis, ang Cagayan Valley, Ilocos Region, Calabarzon, Cordillera Administrative Region at Central Luzon, ay kabilang sa mga lugar na nasa critical risk.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ibinunyag naman ni Duque na ang percentage ng increase parasa daily reported cases, ay bumababa narin.

Nabatid kasi na mula December 21 hanggang December 27, ang average daily cases ay nasa 314, pero mula December 28, 2021 hanggang January 3, 2022, ang kaso ay tumaas ng 2,592, na mas mataas ng 725%.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kasunod nito, ang average daily cases mula January 4 hanggang January 10 ay mataas ng 680% sa 20,462 infections, pero noong January 11 hanggang January 17, ang average daily cases ay mas mataas ng 71% sa 34,923 daily cases.