Pilipinas at Japan, nagbahagian ng “best practices” sa proseso ng paggawa ng batas

Naging produktibo ang palitan ng “best practices” ng mga opisyal ng House of Representatives mula sa Japan at Pilipinas tungo sa pagsusulong ng innovation sa proseso ng paggawa ng batas.

Pinangunahan ni House Secretary General Reginald Velasco ang Philippine delegation sa pakikipagpulong kay Japan House of Representatives International Affairs Department Director General Yamamoto Hironori sa Tokyo.

Dito ay pinagtibay ng dalawang bansa ang commitment na palalakasin ang parliamentary cooperation at pagbubutihin ang legislative practices gayundin ang makabagong approach na nagtataguyod ng transparency, accountability at efficiency sa legislative work.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Sumentro ang dayalogo sa digital transformation ng legislative processes, epektibong public consultation mechanisms at mga stratehiya para mapaigting ang legislative oversight.

Binanggit ni Velasco na nagsasagawa na ang Philippine Congress ng innovations tulad ng digitization ng operasyon sa legislative processes at mas matatag na cybersecurity.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Binigyang-diin din nito na ang pagpapalitan ng malawak na inisyatiba ay bahagi ng pagpapalakas sa bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Punto pa ng House official, mahalaga ang partnership sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at sustainable development sa gitna ng pagharap sa global challenges.

Sa pamamagitan ng ganitong engagements at international cooperation ay layunin umano ng Kamara na maging “responsive” na legislative institution na naibibigay ang pangangailangan ng mga Pilipino.