Livelihood package para sa mga Filipino seafarers na nasagip mula sa kamay ng Houthi, inaasikaso ng liderato ng Kamara

Humahanap pa ng karagdagang tulong ang Office of the House Speaker para sa Filipino seafarers na nasagip mula sa barkong tinamaan ng missile at drone attacks ng Houthi rebels sa Red Sea.

Ito’y matapos magkaloob ang tanggapan ni Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list Representative Yedda Romualdez ng 150,000 pesos na cash assistance sa bawat isa mula sa dalawampu’t isang seafarers na nailigtas mula sa MV Tutor.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Ayon kay Tingog Party-list Representative Jude Acidre, 3.15 million pesos ang kabuuang halaga ng tulong na ibinigay ng mag-asawang Romualdez galing sa personal calamity funds na layong suportahan ang mga biktima at kanilang pamilya.

Ikinalugod ni Speaker Romualdez na ligtas na nakauwi ang dalawampu’t isang seafarers habang binigyang-diin ng maybahay nito na marapat na protektahan ang mga manggagawa abroad na nagsisilbing pundasyon ng “global workforce” ng Pilipinas.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Kabilang pa sa government assistance para sa mga biktima ay ang Livelihood Assistance o Sustainable Livelihood Program ng DSWD at DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program.

Nakapaloob din sa aid package ang sampung libong pisong assistance kada kwalipikadong immediate family member sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP, dalawampung araw na emergency employment at educational assistance sa ilalim ng Tulong Dunong Scholarship program ng CHED.