Kasangga 01-2024 ng Australian AT Philippine Army ,Nagtapos na

Nagtapos na kahapon ang mahigit isang buwan na pagsasanay sa pagitan ng mga sundalo ng 86th Infantry Batallion ng 5th Infantry Division Philippine Army at 1st Batallion ,Royal Australian Regiment ng Australian Army.

Isinagawa ang pagtatapos ng Kasangga 01-2024 sa Tala Hall ng 5th Infantry Star Division (5ID).

Nagsilbing magandang ugnayan ng mga sundalo ng dalawang bansa ang isinagawang pagsasanay na nagsimula noong May 13 taong kasalukuyan.

Nilahukan ito ng limampung sundalo mula sa Australian Army at isang daang sundalo mula sa Philippine Army.

Nagpalitan ang mga ito ng mga kaalaman ,taktika ,teknik at mga karanasan sa kanilang propesyon.

Isinagawa ang pagsasanay sa 5th Division Training School kung saan nagsagawa ang mga ito ng jungle and urban operations, breaching operations, tactical casualty care, jungle survival training, mortar and drone operations, logistics, signal operations, intelligence, surveillance, at reconnaissance operations.

Ang matagumpay na aktibidad ay patunay na epektibo ang mga pagsasanay na isinagawa at ang dedikasyon ng mga lumahok.

Dumalo sa aktibidad sina Major General Audrey L. Pasia, Commander ng 5ID, at Lieutenant Colonel Tim Lopsik, Assistant Defense Attaché ng Australia to the Philippines.

Sa kaniyang mensahe, hinikayat ni MGen Pasia ang mga kasundaluhan na gamitin ang mga napag aralan sa pagsasanay.

Nagpasalamat naman si Lieutenant Colonel Tim Lopsik sa pamunuan ng 5Id sa suportang ipinakita ng mga ito sa Australian Army.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *