Itinanghal na grand winner ang Pilipinang dalaga na si Chriztel Renae Aveceda sa Supertalent Croatia, na kilalang pinakasikat na talent competition sa Croatia.
Trese anyos pa lamag si Chriztel at laking bilib ng mga manunuod na ipinakita niya ang kanyang galing para sa rendition nito ng The Prayer.
Bago ang Supertalent, naging grand champion na siya sa isang local contest sa Croatia at dalawang international competition.
2020 nang dumating sina Chriztel at ang kanyang ina na si Carla sa Croatia para samahan ang stepdad niyang si Rajmund Petermanec.
