PHP5M pondo, inilaan ng LGU Legazpi para sa pagbili ng mga CCTV camera na ilalagay sa palibot ng lungsod

LEGAZPI CITY – Naglaan ng limang milyong piso ang lokal na pamahalaan ng Legazpi sa pagbili ng aabot sa walumpung mga bagong CCTV camera para ilagay sa palibot ng lungsod.

Ang mga bagong CCTV camera ay isa sa mga rehabilitasyon ng mga unserviceable o depektibong CCTV sa lungsod.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Plano naman ng LGU na ibigay ang pangangasiwa at otoridad ng mga CCTV sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).

Ayon naman kay Mayor Geraldine Rosal, isa sa kanilang mga plano ay gumamit ng mga solar powered CCTV upang kahit magkaroon ng mga hindi inaasahang pag-fluctuate ng kuryente, patuloy pa rin ang operasyon nito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon pa sa alkalde, ang mga CCTV ay makakatulong din sa pagpigil ng kriminalidad sa lungsod dahil 24 oras itong nakamonitor.