Teenage Pregnancy sa Minalabac, Camarines Sur pumalo na sa 47

NAGA CITY – Pumalo na sa 47 ang naitalang kaso ng teenage pregnancy sa Minalabac, Camarines Sur.

Ito ang partial na data na nakuha ng Brigada News FM Naga nang makapanayam si Floranie Sumayao, Public Health Nurse 1 ng Municipal Health Office ng nasabing bayan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa buong taon ng 2022, umabot sa 52 ang na-italang kaso na maagang nagbuntis, mapapansin na hindi na nagkakalayo sa 47 na na-irecord ngayong nangangalahati pa lamang ang 2023. Kung saan may posibilidad pang tumaas ang bilang ngayong taon.

Ayon pa sa opisyal patuloy pa rin sila sa pagbabahagi ng kamalayan ukol sa adolescent health at target nila ang mga estudyante sa mga paaralan at lalong-lalo na ang mga out-of-school youth.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Katulad ng pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy sa buong Bicol Region taong 2022, ito rin ang nais na mangyari ng Lokal na Pamahalaan ng Minalabac.