PGA, mas pinalawak ang mga plano sa Mayon operations ngayong nakabuo na ng 11 working clusters ang lalawigan

LEGAZPI CITY – Mas pinalawak ngayon ang plano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa Mayon operations ngayong nakabuo na ng 11 working clusters ang lalawigan.

Isa sa mga estratehiya ngayon ng nasabing bayan ang pagsasama-sama ng mga ulat mula sa mga kinauukulang mga departamento para maayos na pamahalaan ang loss assessment at recovery dahil sa tumaas na abnormalidad ng Bulkang Mayon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa ginawang pagpupulong ng Disaster Response Desk (DRD) ng mga lalawigan kasama ang labing-isang (11) working cluster na nilikha para sa pagtugon sa post-Mayon eruption, sinabi ni Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Head Dr. Cedric D. Daep na kailangan umanong magtatag ng isang komprehensibo at pinalawak na plano sa Mayon operations.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ito ay para matulungan rin ang libu-libong mga pamilya at mga kabuhayan na apektado at lumikas mula sa 6 kilometer danger zone (PDZ).

Saad pa ni Daep, ang strategic cluster approach ng lalawigan ay hindi lamang tututuon sa isolation sa mga apektadong bahagi ng Mayon kundi pati na rin sa laser-beam interventions sa pamamagitan ng nasabing comprehensive at expanded na recovery plan.