PHO nagpaalala sa publiko na gawin pa rin ang mga kinakailangang pag iingat upang hindi madapuan ng COVID- 19 ngayong holiday season

CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Provincial Health Office sa publiko na gawin pa rin ang mga kinakailangang pag- iingat para hindi dapuan ng sakit na COVID- 19 ngayong holiday season.

Yan ay sa gitna ng kaliwa’t kanang pagtitipon o Christmas party ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sinabi nito na dapat pakaisipin pa rin ng lahat na hindi pa tapos ang pandemya at marami pa rin ang mga tinatamaan ng COVID- 19.

Sa katunayan ay dumami na naman ang nahawaan ng sakit noong nakaraang linggo na umabot sa mahigit 50 at pumangalawa ang lalawigan sa buong Bicol Region sa may pinakamaraming bagong kaso.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Upang hindi mahawaan, paalala ni Francisco na hanggat maaari ay iwasan ang maramihang pagtitipon dahil dito pwedeng mahawaan ng sakit.

Kung hindi naman maiiwasan ay magsuot ng face mask, palaging maghugas ng kamay at magpabakuna.

Hindi rin inaalis ng PHO ang posibilidad na tulad noong nakaraang taon ay muling lomobo ang COVID cases pagkatapos ng kapaskuhan dahil sa dami ng mga aktibidad at maluwag na rin ang mga restrictions.

Bukod dito inaasahan din na mas marami ang uuwi ngayon pagkalipas ng dalawang taong pakikipaglaban ng bansa sa pandemya.

“Ang dapat nilang isipin nandito pa yung pandemic pag nandito pa yung pandemic nandito pa yung infection, pag andito pa yung infection yan po’y nakakahawa,” ani Francisco.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

“Paano tayo di mahawaan tayo po ay magpapabakuna tapos susundin po natin yung health protocol na tinakda ng ating probinsiya, magsuot pa rin ng face mask yung sinasabi nating huwag sumama dun sa mga mararaming tao, maghugas ng kamay, iwasan sana yung mga party- party na yan kaso lang kung sabi ko nga kung hindi maiiwasan sana yung mga health protocols na meron tayo at yung mga pagbabakuna, masunod po natin para naman wala po tayong, magkakaroon ng problema dahil tapos na po ang taon sana po ang ating bagong taon ay maganda po, ganun pa rin ang anticipation  namin dahil maraming uuwi galing Maynila at ang Covid naman ay kung saan- saan.”