Bilang ng mga Pilipinong naninigarilyo, gumagamit ng tobacco, bumaba sa 19.5%

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naninigarilyo ayon sa 2021 Global Adult Tobacco Survey (GATS).

Kasabay nito ay tumaas ang bilang ng mga adult smokers na nag-iisip na ititigil na ang bisyo sa paninigarilyo.

Mula 37.4% noong 2009, naging 43.7% na ito noong nakaraang taon.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Bukod dito ay bahagya ring bumaba ang exposure sa secondhand smoke sa mga bahay at pampublikong lugar.

Ayon kay Dr. Vito Roque Jr. ng Department of Health’s (DOH) Epidemiology Bureau, mula sa 55.3% noong 2009, umabot na lamang ang Pilipinas sa 12.2% pagdating sa mga kaso ng secondhand smoke exposure sa public transportation.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Paliwanag ni Roque, ang naitalang datos ay resulta ng inisyatibo ng bansa sa tobacco prevention and control.

Dagdag pa niya, na ipinapakita ng resulta ang consistent na pagbaba ng trend ng tobacco use at exposure sa secondhand smoke. //MHEL PACIA