Kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur mahigit 6, 300 na; aktibong kaso pumalo sa 359

NAGA CITY- 33 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur kahapon, nagdala ito sa bilang na 6, 308 cumulative cases. Pinakamatas sa Bicol Region.

Sa mga kasong ito 359 ang aktibo habang 5, 659 ang gumaling na,  kasama na rito ang 44 na nadagdag kahapon. 290 naman ang nasawi.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa huling update ng Department of Health National Office , ang Camarines Sur ay nasa Alert Level 4, kaya naman kaugnay ng Executive Order No. 11 ni Governor Migz Villafuerte, nakikiusap din ang PNP at DOH- Camarines Sur sa mga opisyal ng barangay na gawin din ang kanilang parte.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala dahil patuloy na may nahahawa ng sakit, nakikiusap ang Provincial Government na sumunod sa health protocols at magpabakuna.