PHO may paalala sa mga sasama sa prusisyon ni Nuestra Señora Peñafrancia at Divino Rostro mamayang hapon dito sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang Provincial Health Office para sa ligtas na pagsama sa prusisyon ni Nuestra Señora Peñafrancia at Divino Rostro mamayang hapon dito sa bayan ng Daet.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco isa sa mga dapat maiwasan ay ang heat stroke dahil sa mainit na panahon kaya mahalagang magbaon ng tubig.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Importante rin umanong kumain ng sapat upang hindi magutom sa pagsama sa prusisyon na mahaba- haba rin ang lakad bago ang mismong fluvial procession.

Pinaalalahanan din ni Francisco ang mga magulang na huwag hayaang sumama ang mga bata sa prusisyon nang walang kasamang nasa hustong gulang na.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

At dahil inaasahan na maraming mga deboto ang sasama sa prusisyon pinayuhan ni Francisco lalo na ang mga nakatatanda at ang hindi pa bakunado kontra COVID- 19 na magsuot ng face mask.