PHLPost, naglabas ng commemorative stamp ni PNOY, 40 araw matapos nitong masawi

Naglabas ang Philippine Postal Corporation ng commemorative stamp kung saan ay tampok ang yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ginawa ito ng PHLPost para magbigay pugay sa dating Pangulo at sa legasiya nito bilang ika-15 Punong Ehekutibo ng bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay PHLPost Chairman Normal Fulgencio, sinisimbolo ng postage stamp ang pagkakaisa, respeto, pagmamahal sa iba.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Binigyang diin ni Fulgencio na sa tuwing may pumapanaw na Pangulo ay kanilang isinasantabi ang politika habang naglukuksa ang bansa.

Matatandaan na nasawi si Aquino sa edad na 61 noong June 24 dahil sa renal diseas secondary to diabetes.