PHIVOLCS, wala pang nakikitang posibilidad na itaas sa alert level 3 ang Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Hindi pa nakikita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibilidad na itaas sa alert level 3 ang status ng bulkang Mayon mula sa alert level 2.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Paul Karson Alanis, resident volcanologist ng PHIVOLCS, ito ay dahil sa wala pa silang makitang bagong magma na umaakyat mula sa ilalim.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, ito raw ang salik o tinitignang indikasyon upang ganap na itaas ang alert level status ng isang bulkan.

Ngunit sa kabila nito, nakikita pa rin, aniya, ang lava dome sa bukana ng bulkan.

Paliwanag ni Alanis, ang lava dome na ito ay naiwan pa noong taong 2018 at magpahanggang ngayon ay lumalaki pa rin.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nakataas pa rin sa ngayon sa alert level 2 ang bulkan, ngunit kahit hindi pa umano ito nakikitaan ng indikasyon ng pagtaas ng status, hindi pa rin mawawala ang panganib na mag-collapse ang lava dome sa loob ng permanent danger zone na maaaring magdulot ng phreatic eruption at casualties, kaya iyon ang binabantayan ng PHIVOLCS.