Mga empleyado sa turismo sa Camalig, Albay, nakatakdang magsagawa ng tourism training upang mapataas ang local revenue

LEGAZPI CITY – Hinihikayat ng Camalig Tourism Office sa Albay ang mga stakeholders na dumalo ang para sa nakatakdang tourism training sa bayan ng Camalig sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Tim Florece, spokesperson ng nasabing opisina, layunin ng aktibidad na mapataas ang local revenue at makikilala ang iba pang tourist attraction sa bayan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Aniya, sa ngayon ay wala pang naibibigay na schedule para sa pagsasanay ng mga empleyado sa turismo.

Kilala ang bayan pagdating sa turismo dahil maraming mapupuntahan ang mga local at foreign tourists tulad ng Hoyop-hoyopan Cave, Sumlang Lake, Quintinday Hills at marami pang iba.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang nabanggit na pagsasanay ay nakatuon lamang sa pagpapaunlad ng local economy ng bayan, kung saan hindi maipagkakailang bumagsak ito sa bawat munisipyo dahil sa pandemya.

Ngayon ay unti-unti nang nakakabangon ang turismo sa bayan, maluwag na rin ang mga patakaran, kaya muli nang dinarayo ng mga turista ang kanilang paboritong pinupuntahan.