PHIVOLCS – nakapagtala ng pamamaga sa Mt. Kanlaon; Panibagong eruption, ‘di malabo

Na-monitor ng PHIVOLCS ang mas maraming tiyansa ng eruptive activity ng Bulkang Kanlaon kasunod ng mga pagbabago sa ground deformation nito.

Sa advisory ng PHIVOLCS, naobserbahan ang pamamaga ng bulkan.

Paliwanag ng ahensya – sa gitna ng volcanic earthquake activity at pagkakaroon ng sulfur dioxide emission – ang pinakahuling pagbabago sa ground deformation parameters ay posibleng mga indikasyon ng tiyansa ng pagsabog.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

May bahagyang magmatic processes din umano na posibleng magdulot ng pagputok o mapanganib na magmatic eruption sa crater ng bulkan.

Read More:  60 fatalities in MV June Aster fire identified; 11 others still being identified — PCG

Samantala, kasalukuyan pa ring nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon, o nasa ‘increasing unrest.’

Dahil dito, inabisuhan ng ahensya ang mga tao na manatiling mapagmatiyag at iwasan ang pagpaosk sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).