MERALCO: huwag i-post online ang electric bill

Nagpaalala ang MERALCO sa publiko na huwag i-post sa social media ang mga personal information at customer account number.

Ito ay sa gitna ng nauusong “bill reveal challenge” kung saan ibinabahagi ng mga social media users ang kanilang bill sa kuryente online.

Ayon sa kumpanya, maaaring magamit ng masasamang loob ang detalye at impormasyon nakasaad sa electric bill.

Pinahahalagahan daw ng MERALCO ng proteksyon ng personal information ng kanilang mga customer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *