PHIVOLCS – may paliwanag sa magnitude 5.1 na lindol kahapon sa Roxas, Palawan

Nilinaw ng PHIVOLCS na normal pa rin naman ang nangyaring pagyanig kahapon sa bahagi ng Palawan.

Kung maaalala kasi – bihirang-bihira lindulin ang isla dahil wala namang aktibong fault dito.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, sinabi nitong mayroon pa ring itong aktibong faults, pero sa bahagi ng karagatan.

Mula noong 1940 – ito pa lang ang ika-walong pagyanig sa naturang area.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa kabila niyan ay hindi naman daw sapat ang kakayahan ng naturang lindol para makapag-generate ng tsunami.

Sa ngayon, wala pa ring recorded aftereshocks, pero posible pa rin ito.