Paul Klein ng LANY, naaksidente; Australia at New Zealand tour, na-postpone

Postponed ang upcoming Australia at New Zealand tour ng Pop-rock band na LANY.

Ito ay matapos maaksidente ang vocalist ng banda na si Paul Klein noong nakaraang Huwebes.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Dahil sa vehicular accident, hirap ngayong gumalaw ang singer.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Paul ang nangyari, at tiniyak din sa mga fans ang agarang paggaling.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Inaasikaso na raw nila ngayon ang paghahanda ng panibagong mga dates para sa kanilang tour.

Nakatakda sanang mag-perform ang LANY sa Brisbane, Perth, Adelaide, Sydney, Melbourne, at Auckland sa June 19 hanggang 30.