Grupo, kinondena ang umano’y patuloy na military at political intervention ng Amerika na nagpapahina sa ating soberenya

Kinundena ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN at iba pang kaalyadong grupo nito ang umano’y patuloy na military at political intervention ng Amerika.

Kasabay ng Araw ng Kalayaan , nagsagawa kaninang umaga ng maikling programa ang grupo malapit sa US embassy upang bigyan-diin ang umano’y nagpapatuloy na” colonial legacy” ng Estados Unidos at ang patuloy na “self-serving actions” ng bansa na nagpapawalang-halaga sa ‘kalayaan’ ng Pilipinas.

Inihalimbawa ni BAYAN MUNA Secretary General Mong Palatino ang 9 na EDCA sites at regular military exercises.

Sinabi ni Palatino, na sa tingin nila ay mayroog ‘Huwad na Kalayaan’ ang Pilipinas.

Mariin ding kinokondena ng grupo ang administrasyong Marcos Jr. sa pagpayag umano nito na i-exploit ng Estados Unidos ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China upang mapalawak ang presensyang militar ng Amerika sa bansa.

Samantala, kasabay ng programa, nagpakalat ng sapat na pwersa ang kapulisan.

Hindi pinayagan ng PNP na makalapit ang mga protesters na makalapit sa tapat ng US embassy.

Ayon kay MPD spokesperon Maj. Philip Innes, walang naitalang untoward incidents sa kabuuan ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *