Double gold ang naiuwi ng Philippine Volcanoes men’s and women’s sa ginanap na Asia Rugby Emirates Sevens Trophy sa Nepal.

Nitong Sabado ay tinalo ng men’s team ang Chinese Taipei sa score na 27-14 habang tinalo rin ng women’s team ang India 7-5.
Labis naman ang saya ng Philippine Rugby sa tagumpay ng dalawang kupunan dahil parehas nakapag-uwi ng medalya ang national rugby team ng bansa.