Jeep na pandagat naimbento ng mekanino sa Leyte

Hindi lang panglupa kundi pangdagat din ang bagong jeep na imbensyon ng mekaniko sa Leyte.

Ayon sa isang lumikha ng nasabing jeep na si Marlon Villanueva, nilagyan nila ng pampalutang sa ilalim ng sasakyan na karaniwang ginagamit sa mga pump boat ang jeep.

Sinabi pa ni Villanueva, napatunayan nilang kayang lumutang nito at umusad sa dagat nang subukan nila itong gamitin. Marami namang mga netizens ang humanga sa nakakaaliw at kakaibang imbensyon na made by Pinoy.