Philippine Ports Authority, pinayagan ang 100% na passenger capacity sa mga pantalan

Pinayagan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang 100% na passenger capacity sa mga sasakyang-pandagat sa lahat ng pantalan sa bansa.

Ayon kay PPA General Manager Atty. Jay Daniel Santiago, dahilan ito sa pagbaba ng Alert Level 1 sa maraming lugar sa Pilipinas.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Inabisuhan din ang lahat ng mga pasahero na siguraduhing kumpleto ang mga kinakailangang mga requirements base sa kanilang mga pupuntahan.

Dagdag pa ni Santiago, depende pa rin sa mga lokal na pamahalaan kung ano ang mga dukomentong kailangan nila ayon sa Alert Level classification nito.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Samantala, pinag-iingat pa rin ang publiko at sundin ang mga health protocols na ipinatutupad sa mga pantalan katulad ng pagsusuot ng face mask at pananatili ng social distancing. (ARGIE ERGINA)