Pormal nang nag-send off ang Philippine Navy ng contingent nito na ipadadala sa Rim of The Pacific o ang RIMPAC 2022 sa Hawaii.
Idinaos ang pormal na programa sa Naval Operating Base ng Philippine Navy sa Subic, Zambales.
Ito para sa paglalayag ng dalawang guided-missile frigates na magre-representa sa Pilipinas sa itinuturing na pinakamalaking naval exercises sa mundo.
Kabilang sa ipadadala ng Pilipinas ay ang BRP Antonio Luna FF-151.
Pangungunahan ang ating 140-man contingent ni Naval Task Group 80.5 commander Capt. Charles Villanueva.
Nakatakdang makilahok ang 26 na mga bansa sa maritime drills na ito at lalahukan ng 38 barko; apat na submarines; siyam na land forces; at 170 aircrafts.
Gaganapin ang RIMPAC 2022 na may temang ‘Capable, Adaptive, Partners’ sa Hawaii mula June 29 hanggang August 4.
Layon nnitong sanayin ang amphibous operations ng nasa 25,000 personnel mula sa iba’t-ibang bansa; pati na rin ang iba pa nitong maritime at air defense capabilities.
Ito na ang ika-28 na batch ng RIMPAC na nag-umpisa pa noong 1971.
#