Marcos, tinanggap na ang imbitasyon na dumalo sa APEC Summit sa Thailand

Kumpirmado na ang pagdalo ni President-elect Bongbong Marcos sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit o mas kilala sa APEC Summit sa darating na Nobyembre sa Thailand.

Ito ang kinumpirma ng kanyang tanggapan matapos tanggapin ni Marcos ang imbitasyon ng Thai government na dumalo ito sa November 18-19.

Read More:  45°C heat index possible in 2027 amid Super El Niño

Sa temang ‘to make APEC open to all opportunities, connect in all dimensions, and balance in all aspects’, inaasahang tatalakayin ngayong taon ang pagpapalawig ng cross-border travels sa mga bansang kalahok dito.

Read More:  DILG Sec. Remulla pays Vice Mayor Respicio’s ₱28K drug test

Pag-uusapan din ang mga hakbang ng mga ito para pabilisin pa ang pag-recover ng rehyon sa epekto ng pandemya.

Inaasahan namang pisikal na o face-to-face na ang idaraos na pagpupulong ng mga APEC leaders.
#