Philippine Coast Guard, nilinaw na walang kinalaman sa isyu ng WPS ang naganap na pagkamatay ng 3 mangingisdang Pilipino

Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi direktang maiuugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) ang pinaka-huling insidente na ikinasawi ng tatlong mga Pilipinong mangingisda.

Ayon kay PCG Commandant Adm. Artemio Abu – wala raw kinalaman sa WPS maritime issue ang insidenteng ito.

Paliwanag niya, nangyari ang pagbangga sa mga Pilipino sa layong 180 nautical miles mula sa Agno, Pangasinan.

Sa ngayon, nagpadala na raw sila ng pormal na sulat sa Marashall islands at sa port state control ng Singapore para ipaalam ang insidente.

Inaaral na rin sa ngayon ang posibleng pananagutan ng oil tanker na Pacific Anna na maaaalalang pinagsususpetyahang nasa likod ng pagbangga sa Filipino fishing boat.

Ni-request na rin daw nila Abu ang pagpunta ngmga survivors sa Maynila para makakuha sila ng first-hand information sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Mga nasawing mangingisda, may mga injury sa ulo – Coast Guard

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa insidente ng pagbangga ng isang commercial vessel sa sinasakyang bangka ng 3 nasawing mangingisda.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Philippine Coast Guard-Pangasinan Station Commander Alexander Corpuz, sinabi nito na nagtamo ng mga tama sa ulo ang mga nasawing mangingisda dahil sa lakas ng pagsalpok ng hindi pa nakikilalang Barko.

Ayon kay Corpuz, wasak ang isang bahagi ng katig ng bangka na sinasakyan ng mga nasawing biktima at tumaob rin ito dahil sa lakas ng pagsalpok ng hindi pa napapangalanang vessel.

Una na namang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos na mananagot ang mga nasa likod ng pagkamatay ng mga mangingisda sa Scarborough Shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *