Philippine Azkals head coach Cooper nagresign!

Inanunsiyo ng Philippine Football Federation (PFF) na bumaba na si Scott Cooper bilang coach ng Philippine Azkals.

Sa isang pahayag pinasalamatan ni PFF national teams’ committee chairman Dan Palami si Cooper sa pagbabahagi ng mga oras, kaalaman at sakripisyo nito sa Philippine football.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Magugunitang unang itinalaga si american coach bilang senior football adviser ng koponan noong 2018.

Iginiya din ni Cooper ang Azkals sa 3rd place finish sa Group A ng FIFA World Cup qualifiers tatlong taon na ang nakakaraan.

Read More:  Alex Eala advances to Round of 16 in Hong Kong Open

Bago bumaba bilang head coach ngayong taon, nabatid na nabigyan ng contract extension si Cooper noong 2020.