Philippine Army, iginiit na legal ang kanilang ginawang pagpapasabog ng mga bala sa Sariaya, Quezon

Nanindigan ang 4th Forward Service Support Unit, Army Support Command, Philippine Army na dumaan sa legal na proseso ang kanilang ginawang pagpapasabog ng mga bala sa Barangay Sto. Cristo Sariaya, Quezon.

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena kay LTCOL. Thony Joy Dalangin ng 4FSSUP-ASCOM-PA aprubado at may pahintulot ng munisipyo ng nasabing bayan ang kanilang aktibidad na isinagawa.

Dagdag pa nito, nakipag-ugnayan muna ang Philippine Army sa mga kinauukulan bago isagawa ang pagpapasabog ng mga bala.

Samantala, nilinaw din nito na sinisuguro ng Philippine Army na ligtas at hindi makakaapekto sa komunidad ang ginawang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *