Philippine archery team na-bullseye ang gold sa 31st SEA Games

Nakuha ng Philippine archery team ang unang gintong medalya sa women’s recurve team competition ng 31st Southeast Asian Games archery na ginanap sa Hanoi Sports Training Center sa Vietnam.

Naihatid nina Pia Elizabeth Bidaure, Gabrielle Monica Bidaure, at Phoebe Nicole Amistoso ang unang gold para sa sport matapos talunin ang Vietnam, 5-4, sa finals.

Naungusan ng Pinay trio ang hometown bet na sina Thi Anh Nguyet Do, Thi Ngoc Ha, at Thi Thanh Nhi Nguyez, na nagkasya na lamang sa pilak.

Nakuha naman ng Myanmar ang bronze matapos talunin ang Malaysia, 5-4.

Natamaan ni Abby Bidaure, ang bullseye sa huling arrow ng shoot-off para sa 10, may 10 segundo na lang ang natitira sa orasan, dahilan upang kunin ang kalamangan ng home team sa isang thrilling 26-25 victory.

Matapos ang gold sa SEA Games, target naman ngayon ng team Pilipinas ang Olympic spot sa archery.