Active COVID-19 cases sa bansa nasa mahigit 2,200 na lang

Patuloy ang pagbaba ng COVID-19 active cases sa Pilipinas.

Batay sa COVID-19 tracker ng Department of Health nasa 2, 241 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Ito ay matapos maitala ang nasa 103 na mga bagong kaso kahapon na pinakamababa simula noong March 2020.

Umabot naman sa 3,688,100 ang kabuoang kaso ng COVID-19 simula ng mag-umpisa ang pandemic sa Pilipinas.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Nasa 60,452 na ang mga nasasawi dahil sa virus habang nasa 3,625, 407 naman ang gumaling sa naturang sakit.