Rice inventory ng NFA para sa buwan ng Mayo sapat parin – NFA Bicol

LEGAZPI CITY- Hindi naman kumukulang ang Rice Producrion at Rice Inventory ng National Food Authority (NFA) sa Bicol Region dahil sa hindi pa umano tinatamaan ng bagyo ang nasabing rehiyon ngayon taon.

Ayon kay Jaharra Shyrra Pavilando, ang Regional Spokesperson ng NFA Bicol, sapat na sapat pa rin ang rice inventory ng Nfa sa rehiyon ngayon buwan ng Mayo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aabot sa 39, 300 na rice inventory habang may 119, 878 bags na palay.

Aniya, patuloy pa rin naman ang pagmomolino sa mga branch offices ang nasabing bilang na bags na palay at makakadagdag pa rin ito sa rice inventory.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nilinaw nito na hindi pa tapos ang buwan ng Mayo kung saan marami pa ang hindi pa nakag ani ng mga palay sa mga lugar.

Sinabi ng opisyal, sakali man na marami umanong buffer stock na bigas na NFA ang Bicol Region ay ipapadala na lamang ito sa ibang rehiyon upang makatulong sa mga nangangailangan ng bigas na NFA.